Isa sa pitong hinarang na pasahero sa NAIA terminal 3, kumpirmadong kabilang sa martial law arrest order

Manila, Philippines – Kumpirmadong kabilang sa martial law arrest order ng Dept of National Defense ang isa sa hinarang na pasahero ng NAIA Terminal 3 kahapon.

Kinilala ito ni PNP Aviation Security Group Head Police Chief Supt. Sheldon Jacaban na si Alnizar Palawan Maute na ngayon ay nasa kustodiya na nang National Bureau of Investigation.

Habang ang tatlo pang hinarang ay nanatili ngayon sa PNP CIDG National Capital Region sa Camp Crame .


Kinilala ang mga itong sina Yasser Dumaraya Maute, Ashary Palawan Maute at Abdulrahman Maute.

Ayon kay jacaban ang mga ito ay nasa blue notice ng phil center on transnational crime kaya dinala sa Camp Crame na ngayon ay isinasailaim sa inquiry.

Sinabi pa ni Jacaban na pagkatapos ng inquiry sa tatlo, kukunin din ito ng NBI para masagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon.

Kahapon una nang pinalaya nang mga awtoridad ang tatlong kasama ng mga ito matapos makumpirmang wala sa martial law arrest order.

Facebook Comments