Isa sa suspek sa pagpatay sa isang brgy. kagawad, patay sa pamamaril sa QC

Manila, Philippines – Patay agad ang isangpinaghihinalaang miyembro ng Serabia group sa ginawang follow-up operation ng mga operatiba ng District SpecialOperations Unit at Fairview Police Station sa Ilang-Ilang St. Brgy. Pasong TamoQuezon City kagabi.
  Nakilala lamang sa alias na Jojo ang napatay na umanoymiyembro ng Serabia gun-for-hire group.
  Ayon sa team leader ng DSOU na si Police Senior InspectorPaterno Domondon, magsisilbi sana ng Warrant of Arrest ang mga pulis  kay Marlon Serabia na itinuturong leaderumano ng grupo.
  Subalit si alias Jojo lang ang naabutan sa bahay at nangmagpakilala na ang mga pulis ay bumunot na umano siya ng baril.
  Nanlaban umano kaya  napatay ng mga pulis sialias Jojo.
  Base sa rekord ng Intelligence Unit ng DSOU, napag-alamanumano na ang Serabia Group ang itinuturong pumatay sa Barangay kagawad ngGreater Fairview na si Jerson Dazo kamakalawa ng umaga.
  Nakuha mula kay alias Jojo ang isang 9mm pistol at isapang baril.
  Patuloy naman na hinahanap ng mga awtoridad ang leader atiba pang miyembro ng grupo.

Facebook Comments