Isa sa tatlong holdaper, patay matapos na mabaril ng Pulis

Manila, Philippines – Patay on the spot ang isa sa tatlongholdaper matapos na mabaril ng pulis nang magdeklarang holdap sa isangpampasaherong bus sa kahabaan ng Edsa Quezon City.

 
Bulagta agad ang isang hindi nakilalang holdaper nanakasuot ng kulay brown na short, brown na long sleeve at tinatayang nasa 25hanggang 30 anyos habang arestado ang dalawang kasamahan nito na nagtago salikuran na nakilalang sina   Mark Mahinayat James Medrano matapos na barilin ng isang pasaherong pulis sa loob ngDiamond bus

 
Ayon sa isa sa mga biktima na nakilalang si LesterMalazarte 25 anyos isang panadero  galingsiya sa farmers Cubao Quezon City papuntang Bulacan ng biglang magdeklara ngholdap ang tatlo tinutukan ng baril at patalim ang mahigit 20 pasahero ng bus.


 
Nilapitan ng isa sa tatlong holdaper si Malazarte at biglanginupakan sabay kuha ng kanyang cellphone.

 
Nagpaputok pa ng baril ang isa sa napatay na holdapermabuti na lang mayroong pasaherong pulis na nakilalang si PO2 Joselito Lantanonakatalaga sa Police Security Protection Group Camp Crame at pinaputukan angholdaper.

 
Dinala na sa CIDU Kampo Karingal ang dalawang naarestongholdaper habang iniimbestigahan ang naturang insidente.

Facebook Comments