Janitor,arestado sa anti-drug campaign sa Pasay

Manila, Philippines – Timbog ang isang janitor mataposbentahan mismo ang pulis ng shabu sa oras ng trabaho niya sa ManilaInternational Airport sa Pasay City.

 
Kinilala ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency angarestado na si Jesus Dotollo, nasa hustong gulang at building attendant sa MIAAAdmin Building.

 
Sa impormasyon na nakuha mula sa  Office of the Assistant GeneralManager-Security and Emergency Services sa pamamagitan ng Media Affairs Officeng NAIA, nasabat ng mga ahente ng PDEA ang tatlong sachet ng hinihinalang shabumula kay Dotollo.


 
Sinasabing nagpanggap na bibili ng shabu ang isangoperatiba at habang nasa aktong inaabot na ni Dotollo ang umano’y shabu nanagkakahalaga ng P1,200 ay dito na pinosasan ng mga otoridad ang suspek.

 
Si Dotollo ay nahaharap sa kasong paglabag sa RepublicAct 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
Nasa custody na ng PDEA office sa Terminal 3 si Dotolloat posible umanong i-presenta sa media anumang oras mula ngayon.

Facebook Comments