Isa sa utak ng Roxas Night Market Bombing sa Davao Arestado sa Cotabato

Arestado ang 28 anyos na lalaki na sinasabing sangkot sa Roxas Night Market Davao City Bombing sa sisinagawang operasyon sa Cotabato City
Kinilala ang suspek na si Abubakar Pagayao aka Jing/Kario na residente ng Mother Brgy Bagua .
Sinasabing si Pagayao ay isa sa mga Mastermind ng pambobomba sa Davao City noong September 2 2016 na nagresulta ng kamatayan ng 14 katao at pagkasugat ng 70 iba pa.
Di umanoy myembro ito ng Ansar Khalifa Philippines, Dawah Islamiyah at Maute.
Inaresto ang suspek base na rin sa Martial Law Oredr # 2 Pursuant to Proclamation # 216.
Nagpapatuloy ang interogasyon ng mga otoridad sa naarestong si Pagayao.

Facebook Comments