Isa sugatan matapos sumampa ang isang truck sa center island sa Lacson Avenue Sampaloc, Maynila

93

Sugatan ang isang pahinante ng truck matapos na mawalan ng kontrol ang driver nito sa may bahagi ng Lacson Avenue pagbaba lamang ng Nagtahan Bridge sa Sampaloc, Maynila.

Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng preno ang truck na may plate number na ZFM-658 na minamaneho naman ni Ejay Figuera.


Nabatid na bago bumangga sa center island, nakatalon ang dalawang pahinante nito pero sugatan ang isa sa kanila na nakilala lamang sa alyas na Rodel.

Nangyari ang insidente pasado ala-una ng madaling araw kung saan inabot ng higit anim na oras bago ito tuluyang naialis.

Puno ng coco lumber ang nasabing truck na dadalhin sana sa isang warehouse sa may bahagi ng Valenzuela City.

Hawak naman na ng Manila Police District Traffic Sector ang driver ng truck habang nasa maayos naman ng kondisyon ang sugatang pahinante.



Facebook Comments