Mister, ikinulong sa banyo si misis sa takot na mayroon itong coronavirus

551

LITHUANIA, Europe – Dahil umano sa takot na mayroong coronavirus si misis, nagpasya ang isang mister na ikulong ito sa loob ng banyo ng kanilang tinutuluyang apartment.

Ayon sa the UK’s Mirror, labis daw ang pag-aalala ng lalaki nang malamang may kinitang Chinese ang kanyang asawa na nanggaling pa umano sa Italy.

Dito na nagsimula ang germophobic na mister na ipa-quarantine ang kanyang misis.


Sapilitan daw na ikinulong ng lalaki ang asawa sa kanilang apartment matapos ito kumonsulta sa doktor tungkol sa dapat gawin para maiwasan ang COVID-19.

Habang nakakulong sa banyo ay agad namang nakahingi ng tulong ang naturang babae sa awtoridad.

Samantala, bilang pag-iingat ay sumailalim ito sa test kung saan nasurian siyang clear at walang kahit anong virus sa katawan.



Kaugnay nito, nagsampa ng reklamo ang babae laban sa kanyang asawa matapos ang pangyayari.

Sa ngayon ay isa pa lang ang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa Lithuania.


Sa Italy ay naitala naman na 79 katao na ang nasawi habang mahigit 2,500 naman ang nasurian na ng naturang virus.

Facebook Comments