
Isang lalaki ang nasugatan matapos masagi ng isang SUV ang nakaparadang traktora sa gilid ng kalsada sa Barangay Ambabaay, Bani, Pangasinan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, patungong kanluran ang puting SUV nang magkamali umano ng tantya ang drayber at masagi ang traktora na nakahimpil sa shoulder ng kalsada.
Walang nasaktan sa mga drayber ng parehong sasakyan, ngunit ang isang sakay ng traktora ay nagtamo ng pinsala sa ulo at katawan at agad dinala sa pagamutan para sa lunas.
Parehong nagkaroon ng pinsala ang mga sangkot na sasakyan, habang patuloy na tinataya ng pulisya ang halaga ng pagkasira at iniimbestigahan ang iba pang detalye ng insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









