Isabela Anti-Crime Task Force, Nakiisa sa Todas-Dengue, Todo na to-Ika-limang kagat ng Isabela!

*Cauayan City, Isabela-* Kasabay sa sabayang paglilinis ng buong lalawigan ng Isabela sa Todas-Dengue, Todo nato-Ika-limang kagat ng Pamahalaang Panlalawigan ay nakiisa rin ang Isabela Anti-Crime Task Force sa paglilinis sa mga lugar dito sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay dating board member Ismael Atienza, ang Chairman ng Isabela Anti-Crime Task Force, puspusan rin umano silang nakikiisa sa paglilinis bilang kautusan ng ating Punong Panlalawigan upang masugpo at maiwasan ang sakit na dengue.

Dapat rin umanong muling ipaalala sa mga mamamayan na dapat muling tutukan ang pagpapatupad sa batas na “Tapat ko, Linis ko” upang mapanatili ang kalinisan sa ating kapaligiran.


Samantala, lalo pa umano nilang paiigtingin ang kanilang pagbabantay dito sa lungsod ng Cauayan lalo na umano sa mga kabataan na madalas nasasangkot sa iligal na droga.

Nagsasagawa na rin umano sila ng Drug Symposium sa mga paaralan upang mabigyan ng kaalaman at mapaalalahanan ang mga kabataang mag-aaral upang umiwas sa paggamit at pagtutulak ng iligal na droga.

Facebook Comments