Ilagan, Isabela – Kasama rin ang Isabela sa walang pasok sa araw na ito.
Sa pakikipag ugnayan ng RMN New kay kay Isabela Provincial Information Officer Jessie James Geronimo ay kanyang kinumpirma ang impormasyon kaugnay sa kawalang pasok sa araw na ito, Oktubre 16, 2017 sa lalawigan.
Magugunitang kahapon, Oktubre 15, 2017 ay naghayag ang malakanyang ng kawalang pasok ngayon batay sa pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na makikita sa government website: pcoo.gov.ph/news_releases/presidential-spokesperson-ernie-abella-suspension-classes-government-work-16-monday/ .
Samantala, sa karatig lalawigan ng Cagayan ay ipinabatid din sa Provincial Information Office FB page na walang pasok sa lahat ng antas sa eskuelahan pribado man o pampubliko at sa mga tanggapan may kaugnayan pa rin sa Memorandum Circular 28 ng palasyo.
Sa araw na ito at bukas, Oktubre 16 at 17, 2017 ang transport group na Pinagkaisahang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON ) at mga grupong Kadamay, Migrante, League of Filipino Students, and Kilusang Mayo Uno ay pangungunahan ang transport strike bilang protesta sa modernization program ng gobyerno sa mga PUV’s na sinasabing magpapa phase-out sa mga jeepney sa mga lansangan.