Isabela Board Member Ed Christopher Go, Mahaharap sa Patung-patong na Kaso Matapos Makasalpok ng Isang Park Attendant!

2655

*Cauayan City, Isabela- *Mahaharap ngayon sa patung-patong na kaso si Isabela Board Member Ed Christopher Go matapos nitong salpukin ang isang parking attendant kagabi partikular sa Tomas Morato Avenue, Quezon City, Metro Manila.

Batay sa iniulat ni radyoman Michael Goyagoy ng DZXL RMN Manila dito sa DWKD RMN Cauayan, agad na namatay ang biktima na si Celso Calacat, singkwentay kwatro anyos, isang parking attendant nang siya ay salpukin ng BMW na sasakyan ni Board Member Go habang nag-aasiste sa isang sasakyan upang mag-park.

Ayon naman umano kay PO3 Joel Aviso ng Quezon City Police District Traffic Sector 4, posibleng mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide at Paglabag sa Sec. 53 na RA 4136 o Driving under the Influence of Liquor or Narcotic drive si Isabela Board Member Go matapos magmaneho na nasa impluwensya ng alak.

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo at bali sa katawan ang biktima na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay..

Nasa kustodiya na ng QCPD Traffic Sector 4 si Board Member Go at nakatakda umanong mag-usap ngayong araw ang magkabilang panig kasama ang kanilang mga abogado hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments