Teacher’s Day, Ipinagdiwang ng Lungsod ng Cauayan!

*Cauayan City, Isabela-* Masayang ipinagdiwang ngayong araw ang selebrasyon ng mga guro sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Dr. Liwliwa Calpo, ang Principal ng Cauayan City South Central School na kinansela na ang pasok ng mga mag-aaral sa School Division ng Lungsod ng Cauayan upang ipagdiwang ang Teacher’s Day.

Kaugnay nito’y nagsagawa sila ng parada kaninang umaga at dumiretso sa FLDY Coliseum para sa kanilang mga isasagawang aktibidades.


Aniya, bago umano humantong sa pagiging principal ng isang paaralan ay marami umanong pagsubok ang kanilang pinagdaanan bago maabot ang pagiging pinuno ng isang paaralan.

Dagdag pa niya ay nag-iingat na rin umano sila na makapanakit ng kanilang estudyante at pagbibigay ng parusa.

Ayon pa kay Dr. Calpo, mula sa mahigit tatlong libong estudyante ay nabibigyan pa rin umano nila ng disiplina ang mga ito bilang tumatayong pangalawang ina ng mga mag-aaral.

Facebook Comments