ISABELA COPS, SISIGURADUHIN ANG MAPAYAPANG HALALAN NGAYONG TAON

Cauayan City – Buong pwersa ng naghahanda ang kapulisan ng Isabela, para sa mapayapang National at Local Elections (NLE) 2025.

Nagsimula kahapon January 12, 2025, ang opisyal na election period na magtatagal hanggang June 11, 2025.

Mahigpit nang ipinatupad ang gun ban, na nagbabawal sa pagdadala ng anumang armas na walang awtorisasyon mula sa Gun Ban and Security Concerns Committee (GSC).


Kasabay nito, inilunsad na rin ang mga COMELEC checkpoints sa iba’t ibang bahagi ng Isabela, katuwang ang Election Officers at iba pang ahensya ng gobyerno.

Bukod sa gun ban, palalakasin din ang intelligence operations upang labanan ang vote-buying, harassment, at iba pang election-related violations.

Samantala, magpapadala rin ng dagdag na pwersa sa mga lugar na itinuturing na critical areas.

Facebook Comments