Ilagan City, Isabela- Pormal nang sinimulan ngayong araw ang selebrasyon ng Isabela Day sa pamamagitan ng pagbubukas sa Bambanti Village sa Provincial Compound ng City of Ilagan.
Ito ang iniulat ni ginoong Romy Santos, Media Consultant ng Pamahalaang Panlalawigan, sa naging ugnayan ng RMN Cauayan sa programang Straight to the Point kaninang umaga.
Ayon kay ginoong Santos, Punong-puno umano ang mga aktibidad na gaganapin sa naturang selebrasyon at bilang bahagi sa ika- 162nd na anibersaryo ng lalawigan ng Isabela ay inayos at binuksang muli ang mga ginawang Bambanti Booth at Agro Industrial na nakatayo sa naturang Compound.
Pinangunahan naman ang pagbubukas ng Bambanti Isabela nina Isabela Gov. Faustino “Bojie” Dy III, Isabela Vice Governor Tony Pet Albano, mga Provincial Officials maging ang mga Municipal Mayors.
Ayon pa kay ginoong Santos, pwede umanong makabili rito ng ibat-ibang produkto na galing sa ibat-ibang munisipyo at lungsod na tinatawag nilang “One Town One Product”.
Samantala, gaganapin ngayong alas sais ng gabi ang Outstanding Isabeleños Awarding Ceremonies sa Queen Isabela Park para sa pagkilala sa mga natatanging Isabeleños at kabilang sa mga paparangalan ay nakuha ng pamilya ni Rudy Pascua ng Naguilian at nakuha naman dating Police Director na si Lucas Managelod ng Tumauini ang Most Outstanding Isabeleño at pangalawa na umano itong nakuha muli ng bayan ng Tumauini.
Kabilang din umano sa mga paparangalan ang lahat ng mga nanalo sa Gawad Saka at lahat ng mga Abogadong pumasa sa Bar Examination.