Isabela Delegation, Pangatlo sa may Pinakamataas na Bilang ng Medalya sa Ginaganap pa ring CAVRAA 2018

208

Tuguegarao City – Pangatlo ang Isabela delegation sa may pinakamataas na ranko ng nakuhang medals base sa resulta ng CAVRAA dakong alas quatro kahapon Pebrero 27, 2018.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan News Team, nakakuha na ang Isabela Delegation ng 38- golds, 33-silvers at 38 bronzes.

Samantala, nangunguna naman ang Cagayan at pumapangalawa ang Nueva Vizcaya sa may matataas na bilang ng medalyang nasungkit.


Sa kabila naman ng mga pag-ulan kahapon ay nagtuluy-tuloy parin ang paglalaro ng mga kalahok.

Ngayong araw naman ay inaasahang magaganap ang Championship game sa pagitan ng mga mananalong kalahok sa iba’t ibang paligsahan.

Facebook Comments