Isabela Gov. Albano III, Personal na Bumisita sa mga Frontliners sa Lalawigan!

Cauayan City, Isabela- Pinangunahan ni Isabela Governor Rodito Albano III ang personal na pagbisita sa mga frontliners sa Lalawigan partikular sa bayan ng Quirino.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Governor Albano III, nagtungo ito ngayong araw sa bayan ng Quirino lulan ng helicopter upang alamin ang sitwasyon ng mga frontliners na patuloy na nagbibigay ng serbisyo at lumalaban kontra COVID-19.

Pagkatapos aniya ng kanyang pagbisita sa naturang bayan ay magtutungo rin ito sa mga kalapit bayan o sakop ng Distrito 5 upang kumustahin ang iba pang mga frontliners sa mga checkpoints.


Bahagi rin ng kanyang pagbisita ay upang mamahagi ng ayuda sa mga mapupuntahang munisipalidad.

Facebook Comments