Lalaki sa US, patay matapos atakihin ng pating habang nagsu-surfing

(Unsplash)

CALIFORNIA, US – Patay ang isang lalaki matapos atakihin ng pating habang nagsu-surfing umano ito sa isang beach.

Sa report ng CBS San Francisco, nasa Manresa State Beach sa Sta. Cruz si Ben Kelly, 26, at noo’y nagsu-surfing kasama ang iba pa noong Sabado nang mangyari ang insidente.

Nakatanggap daw ng tawag ang awtoridad bandang 1:30 p.m. ngunit wala ng buhay si Kelly nang kanilang maabutan.


Nasawi ito dahil sa tinamong matinding sugat sa kanyang binti ayon sa ulat ng KSBW.

Samantala, dahil sa nangyari ay ipinasasara ang ilang bahagi ng beach bilang pagsunod sa patnubay ng naturang estado.

Isang milya sa north at south location ng insidente ang hindi na muna pagbubuksan matapos ang trahedya.

Labis naman ang pagdadalamhati ng mga kaanak at kaibigan ng biktima na naiulat na isang surf-maker.

Nagpahatid naman ng pakikiramay ang State Parks na pinangyarihan ng insidente sa pamilya ni Kelly.

Facebook Comments