Isabela Gov. Albano, Nagpalabas ng kautusan sa pag iwas sa COVID-19

*Cauayan City, Isabela*- Inatasan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang lahat ng sangay ng gobyerno na hikayatin na iwasan ang pagsasagawa ng kahit anong uri ng malalaking selebrasyon dahil na rin sa banta ng COVID-19.

Batay sa ipinalabas na Executive Order No.15, inaatasan ang lahat ng LGUs, mga paaralan sa pribado at pampublikong paaralan sa probinsya na umiwas sa pagdaraos ng selebrasyon gaya ng piyesta, harvest festival, graduation balls kung saan malaki ang bilang ng tao.

Ito ay bahagi pa rin ng naging rekomendasyon ng binuong task force ng probinsya laban sa COVID-19.


Tiniyak naman ng pamahalaang panlalawigan ang patuloy na koordinasyon sa health authorities kaugnay sa hakbang ng ahensya.

Sa ngayon ay hinihikayat ang publiko na mangyaring makipagtulungan sa mgha awtoridad para makaiwas sab anta ng covid-19.

Nananatili pa rin na covid-free ang buong lambak ng Cagayan.

Facebook Comments