Isabela Gov. Faustino “Bojie” Dy III, Handang Pangunahan ang Localized Peacetalks!

*Cauayan City, Isabela- *Handa umanong pangunahan ni Isabela Governor Faustino Bojie Dy III ang localized peacetalks o pakikipag-usap sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) dito sa ating lalawigan.

Ito ang inihayag ni Gov. Bojie Dy III sa RMN Cauayan kung saan isa umanong karangalan para sa kanya ang mapiling mamumuno sa pakikipag-usap sa mga NPA bilang isa sa mga nangunguna sa adbokasiya ng Localized Peacetalks.

Ayon pa sa gobernador, bukas lamang umano ang kanyang sarili sa lahat ng mga gustong kumausap sa kanya hinggil sa Localized peacetalks at handa rin umano siyang umpisahan ito kung sakaling may intresado sa kabilang panig.


Kaugnay nito ay magkakaroon umano sila ng pulong para sa National Peace and Order Council sa Malacañang upang mapag-usapan at mailatag ang posibleng panuntunan ng Local Peacetalks.

Facebook Comments