ISABELA GOVERNOR ALBANO, NAMAHAGI NG TULONG SA MGA ISABELEÑO

Cauayan City – Personal na namahagi si Isabela Governor Rodito T. Albano III ng mga libreng bangka at lambat sa mga mangingisda ng lalawigan upang suportahan ang kanilang kabuhayan.

Kasabay nito, nagbigay rin ang gobernador ng mga libreng prosthetic leg at iba pang assistive devices para sa mga persons with disabilities (PWDs) sa probinsya.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela upang mapalakas ang kabuhayan at mabigyan ng pantay na oportunidad ang mga residente, kabilang na ang sektor ng mga mangingisda at PWDs.


Layunin ng pamahalaan na mapataas ang kalidad ng buhay ng bawat Isabeleño.

Patuloy namang nangako si Gov. Albano na maghahatid ng mga programa at proyektong makatutulong sa mga mamamayan ng Isabela at sinigurong rin niya na walang sektor ang maiiwan sa progreso ng lalawigan.

Facebook Comments