Isabela Governor “Bojie” Dy III, Tatakbo bilang Bise-Gobernador sa Halalan 2019!

Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ni Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III na siya ay kakandidato sa susunod na halalan bilang bise-gobernador habang si Isabela 1st District Congressman Rodolfo “Rodito” Albano III naman ay tatakbo sa posisyong pagka-Gobernador.

Aniya, hangad lamang umano nito na tumulong sa kanyang kapwa at para magtuloy-tuloy lamang ang kanilang mga programa at proyekto ditto sa lalawigan ng Isabela.

Pinagpasyahan umano ito ng ilang mga pinuno na kanilang nakonsulta dito sa ating lalawigan at hindi nya ito pasya lamang.


Samantala, Malaki naman ang pasasalamat ng anak ng gobernador na si Mayor Francis “Kiko” Dy ng Echague, Isabela dahil sa natanggap na parangal ng kanyang ama mula sa Isabela State University System bilang Dr. of Public Administration Honoris Causa.

Hihigitan rin umano ni Mayor “Kiko” Dy ang ipinakitang pagsisilbi ng kanyang ama sa larangan ng Pagseserbisyo.

Facebook Comments