UPDATE| Pagpapakamatay ng Binatilyo sa Ilagan City, Isabela, Pag-ibig ang Nakikitang Motibo!

*Ilagan City, Isabela- *Pag-ibig ang nakikitang motibo ng kapulisan sa pagpapakamatay ng isang disi sais anyos na binatilyo sa Barangay Guinatan, City of Ilagan kamakailan.

Ito ang kinumpirma ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Arnold Bulan, ang Deputy Chief of Police ng PNP Ilagan kung saan gumamit umano ng Cable Wire sa pagpapakamatay ang binatilyo na kinilalang si Rommel Ardoronio.

Base sa pahayag ng kapatid ng biktima, dumating umano ang binatilyo sa kanilang bahay at nagdadabog na umakyat sa itaas ng kanilang bahay.


Pagkalipas ng ilang sandali ay sinundan ito ng kanyang kapatid sa kwarto ng biktima subalit nagulat na lamang umano ito nang makita ang nakabitin na katawan ng kanayng kapatid.

Naisugod pa umano ng Rescue 1124 sa pinakamalapit na pagamutan ang binatilyo subalit ideneklara rin itong Dead on Arrival.

Ayon pa kay PCI Bulan, naniniwala umano ang pamilya ng biktima na walang foul-play ang naganap sa pagkamatay ng binatilyo kung saan nakalagak na labi nito sa isang punerarya sa nasabing Lungsod.

Facebook Comments