Isabela Governor Faustino Bojie “Dy” III, Mahigpit na Pinaalalahanan ang mga Isabelinos sa Bagyong Ompong!

*Cauayan City, Isabela- *Pinag-iingat ngayon ni Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III ang lahat hinggil sa pagdating ng bagyong Ompong na inaasahang tatama sa pagitan ng lalawigan ng Isabela at Cagayan bukas ng umaga.

Ito ay sa naging panayam ng RMN News kay Isabela Governor “Bojie” Dy III, na nakipagkoordinasyon na sila sa mga LGU’s at sa mga otoridad upang subaybayan at pangunahan ang kaligtasan ng mga residente sa kanilang mga nasasakupan.

Nakahanda na rin ang mga evacuation centers sa lalawigan ng Isabela habang tinututukan naman ngayon ng mga otoridad ang mga flood prone areas sa mga bayan dito sa lalawigan ng Isabela.


Dagdag pa rito ay una nang nailikas ang mga residente sa ilang mga coastal towns gaya ng bayan ng Dinapigue, Divilacan at Maconacon subalit pinaalalahanan pa rin ng gobernador ang lahat ng mga nasa Coastal areas at tabing ilog na lumikas na habang maaga pa upang maiwasan ang mga hindi inaasahang pangyayari.

Ayon pa kay Governor Bojie Dy, marami pa sa mga pananim dito sa ating lalawigan ang hindi pa naaani at posibleng maapektuhan sa pananalasa ng bagyong Ompong.

Kaugnay nito ay handa naman umanong bilhin ng National Food Authority (NFA) ang mga sariwang palay upang hindi masira ang ani ng mga naunang nag-ani.

Facebook Comments