Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III, Pinarangalan ng Isabela State University System!

Ilagan City, Isabela- Pinarangalan ngayong araw bilang Dr. of Public Administration (DPA), Honoris Causa si Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III ng Isabela State University System bilang pagkilala sa kanyang ipinakitang paglilingkod dito sa lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ginoong Romy Santos, ang Media Consultant ng Isabela Provincial Government na paparangalan lahat ng sangay ng Isabela State University (ISU) ang gobernador na papangunahan ni Dr. Ricmar Aquino, ang Presidente ng Isabela State University System.

Ayon kay ginoong Santos, Isa umano itong napakalaking parangal na igagawad ng isang Unibersidad bilang pagkilala sa isang indibidwal na naglilingkod sa kanyang nasasakupan.


Sapat na umano ang mga nakitang paglilingkod ng gobernador sa mga Isabelino at dito na ibinatay ng ISU System ang pagbibigay ng parangal na DPA, Honoris Causa.

Samantala, ang pagpaparangal kay Isabela Governor “Bojie” Dy III ay kasabay ng pagtatapos ng mga kumuha ng kursong Masteral at Doctoral na ginanap sa Amphi-theater ng Provincial Capitol.

Facebook Comments