Suspek sa Bigong Pagpatay, Arestado!

Cauayan City, Isabela- Nahaharap sa kasong Bigong Pagpatay ang isang magsasaka na Top 4 Most wanted dito sa lungsod ng Cauayan matapos madakip ng kapulisan sa Brgy. Villa Concepcion, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Arsenio Martinez Jr., trentay singko anyos, may-asawa, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Si Martinez Jr. ay dinakip ng kapulisan sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Ariel Palce ng Regional Trial Court Branch 40 Cauayan City, Isabela dahil sa kaso nitong Frustrated Murder.


Nasa kustodiya na ng PNP Cauayan si Martinez Jr. at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang nagkakahalaga ng dalawang daang libong piso.

Facebook Comments