ISABELA, HUMAKOT NG GINTONG PARANGAL SA GAWAD KALUSUGAN 2024

Cauayan City – Humakot ng parangal ang lalawigan ng Isabela sa ginanap na Gawad Kalusugan 2024 na ginanap sa Tuguegarao City, Cagayan.

Sa Provincial Category, nakamit ng Isabela ang Gold sa Responsible Parenthood and Reproductive Health Purple Banner Award, LGU Health Scorecard Implementer Award, Non-communicable Disease Innovator Award, at Provincial Health Office Immunization Excellence Recognition Award.

Bukod dito, iginawad din sa Isabela Provincial Health Office(IPHO) ang prestihiyosong Universal Healthcare Milestone Achievement Award bilang pagkilala sa natatanging ambag nito sa pagbubuklod ng local health systems, pagtugon sa mga kakulangan sa serbisyong pangkalusugan, at pagpapabuti ng resource efficiency alinsunod sa layunin ng Universal Health Care.


Ang mga parangal ay personal na iniabot nina Department of Health (DOH) Undersecretary Glenn Mathew G. Baggao at Cagayan Valley Center for Health Development (CVHD) Director Amelita M. Pangilinan, na tinanggap naman ni Provincial Health Officer Dr. Nelson Paguirigan at mga kawani ng IPHO.

Tumanggap din ang pamahalaang panlalawigan ng kabuuang insentibo na nagkakahalaga ng P800,000, na gagamitin para sa pagpapabuti pa ng serbisyong pangkalusugan ng lalawigan.

Kabilang sa mga probinsyang nakilahok sa rehiyon ay ang Cagayan, Nueva Vizcaya, Quirino, at Batanes.

Facebook Comments