ISABELA, IDINEKLARA BILANG MALARIA-FREE PROVINCE

CAUAYAN CITY – Opisyal nang kinilala bilang Malaria-Free ang buong lalawigan ng Isabela nitong, Disyembre 10, 2024, sa isang seremonya na ginanap sa Century Park Hotel, Manila.

Ang tagumpay na ito ay resulta ng sama-samang pagsisikap ng mga ahensya ng gobyerno, mga pribadong sektor, non-profit organizations, at ng buong komunidad.

Ang parangal ay personal na tinanggap ni Dr. Nelson Paguirigan, Provincial Health Officer II ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), at ni Marvin Valiente, Provincial Malaria Program Coordinator.


Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Dr. Paguirigan na ipagpapatuloy nila ang pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa malaria, pati na rin ang pagbibigay ng mabilis na diagnosis at gamutan para sa lahat ng Isabeleños, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Ang tagumpay na ito ay isang mahalagang hakbang patungo sa kalusugan at kaligtasan ng bawat mamamayan ng lalawigan.

Facebook Comments