Isabela, Isinailalim na sa GCQ Simula Ngayong Araw

Cauayan City, Isabela- Kinontra ng National Inter Agency Task Force ang unang deklarasyon na pagsasailalim sa Isabela sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa halip ay GCQ nalang dahil sa economic consideration.

Ayon kay Atty. Elizabeth Binag, hindi pumayag ang Economic Cluster ng National Inter Agency Task Force dahil sa maaring maparalisa ang gawaing pang ekonomiya ng lalawigan ngayong kapaskuhan.

Unang sinabi ni Atty. Elizabeth Binag, ang Provincial Information Officer na MECQ ang hiniling ng LGU Isabela kina DOH Sec. Francisco Duque at Secretary Carlito G. Galvez, Jr., Chief Implementer of the Philippines’ Declared National Policy Against COVID-19.


Magtatagal ang GCQ simula ngayong araw, December 14, 2020 hanggang December 30 ngayong taon.

Inaasahan namang magpapalabas ng guidelines ang LGU Isabela ngayong Araw.

Facebook Comments