ISABELA, KABILANG SA FINALIST NG WALANG GUTOM AWARD

CAUAYAN CITY – Nakabilang sa national finalist ng Walang Gutom Awards ang Provincial Government ng Isabela (PGI) dahil sa entry nitong Isabela Rice Assistance Program (I-RICE AP).

Kinumpirma ng Galing Pook Foundation at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 101 LGU’s ang lumahok sa naturang award subalit tanging 17 lamang ang nakapasok sa finals, at kabilang na dito ang Isabela.

Nakasali rin sa mga finalists ang Biliran Province at Quirino Province, anim na Lungsod, anim na munisipalidad, at dalawang barangay – kabilang ang Brgy. Naggasican sa Santiago City.


Layunin ng Walang Gutom Award na kilalanin ang mga hakbang ng mga lokal na pamahalaan para sa paglaban kontra gutom at malnutrisyon.

Facebook Comments