ISABELA, MULING NAKAPAGTALA NG 153 BAGONG IMPEKSYON SA COVID-19

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng 153 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela.

Sa datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Miyerkules, August 18, 2021, muling tumaas sa 1,226 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya matapos madagdagan ng 153 na new cases.

Nakapagtala rin ang probinsya ng 80 na panibagong gumaling at isang (1) namatay sa COVID-19.


Sa kasalukuyan, umaabot na sa 30,409 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsya na kung saan 28,254 na sa mga ito ang ‘fully recovered’ samantalang nasa 929 naman ang binawian na ng buhay.

Facebook Comments