Philippine Airlines, hindi pa makapagbibigay ng petsa kaugnay sa pagsundo sa mga Pinoy sa Afghanistan

Blangko pa ang Philippine Airlines (PAL) kung kailan matutuloy ang kanilang flight patungong Afghanistan. Ito ay para sunduin ang mga Pilipinong naiwan at naiipit pa rin sa kaguluhan doon.

Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, patuloy pang inaayos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang chartered flight patungong Kabul.

Ito ay matapos na mabigo ang PAL na makalapag sa Kabul airport kagabi para sana sunduin ang 80 mga Pinoy sa Afghanistan.


Ayon kay Villaluna, patuloy ang kanilang ugnayan ng DFA at ang mga paghahanda para sa nasabing evacuation flight.

Facebook Comments