Isabela, Muling Nakapagtala ng 29 New COVID-19 Cases

41

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ng dalawampu’t siyam (29) na panibagong bilang ng positibong kaso sa COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa tala ng Department of Health (DOH) Region 2, mula sa 29 new covid-19 cases, 27 ang naitala sa Lungsod ng Santiago habang dalawa (2) sa bayan ng Gamu.

Kasabay ng pagkakatala ng probinsya sa mga panibagong kaso, nakapag-ulat naman ng labing pito (17) na bagong bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos maideklarang fully recovered.


Sa kasalukuyan, nasa 222 ang kabuuang bilang ng active cases ng Isabela.

Facebook Comments