Pamahalaang lungsod ng Mandaluyong, nakapagtala ng 20 bagong kaso ng COVID-19

18
COURTESY: Mandaluyong City Public Information Office Facebook page

Muling nakapagtala ng 20 bagong kaso ng COVID-19 ang City Health Department ng Mandaluyong sa nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, sumampa na sa 5,769 ang kabuuang bilang ng kupirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ngayong umaga.


Mula sa nasabing bilang, 5,463 dito ay gumaling na sa naturang sakit, matapos makapagtala ng 13 new recoveries kagabi.

Habang ang 183 ay mga nasawi na dulot ng virus.

Kaya naman, mayroon pang 123 na bilang ng active COVID-19 cases sa lungsod.

Batay sa ulat ng City Health Department ng Mandaluyong, patuloy na mino-monitor ang kalusugan ng mga indibidwal na kabilang sa active cases habang nananatili sila sa quarantine facility ng lungsod.




Facebook Comments