Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng tatlumpu’t apat (34) na bagong positibong kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Isabela ngayong araw, Enero 25, 2021.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, mula sa 34 new COVID-19 cases, sampu (10) ang naitala sa City of Ilagan; siyam (9) sa bayan ng Naguilian; apat (4) sa bayan ng Reina Mercedes; tatlo (3) sa Lungsod ng Cauayan; dalawa (2) sa bayan ng Luna at tig-isa (1) sa bayan ng Aurora, Gamu, San Manuel, San Mariano; Tumauini; at Santiago City.
Gayunman, nakapagtala pa rin ng labing tatlo (13) na recovered cases ang Isabela kaya’t tumaas na sa 3,467 ang total recovered cases ng probinsya.
Sa kasalukuyan, nasa 472 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela mula sa 4,005 na total confirmed cases na naitala.
Mula sa bilang ng total confirmed cases, isa (1) rito ay Returning Overseas Filipino (ROFs); siyam (9) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); tatlumpu’t dalawang (32) Health Worker; dalawampu’t limang (25) na pulis; at 405 na Local Transmission.
Umaabot naman sa animnapu’t anim (66) ang naitalang COVID-19 related death sa Isabela.