Pamunuan ng Eastern Police District, nagsagawa ng surprise drug test

30

Nagsagawa ng biglaang drug test ang mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) sa pangunguna ni EPD District Director BGen. Mattew Baccay at ng EPD Crime Laboratory sa EPD Multi-Purpose Hall.

Paliwanag ng heneral, mas mainam na biglaan ang pagsasagawa ng drug testing para malaman kung sino-sino ang mga gumagamit ng iligal na droga sa kanilang hanay.


Hinikayat din ni Baccay ang publiko na makipagtulungan sa EPD at huwag matakot kung mayroon silang nalalaman na mga tiwaling pulis na gumagamit ng iligal na droga upang agad nilang maaksyunan at masibak sa pwesto kapag napatunayang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Facebook Comments