Isabela, Muling Nakapagtala ng Bagong Kaso ng COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala pa rin ngayong araw, Marso 4, 2021 ng bagong positibong kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Isabela.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, dalawampu’t siyam (29) na positibong kaso ang naitala sa probinsya na kung saan labing walo (18) ang naiulat sa bayan ng Cabagan, tatlo (3) sa Lungsod ng Ilagan; tatlo (3) sa bayan ng Sta. Maria; dalawa (2) sa Naguilian; at tig-isa (1) sa bayan ng Roxas, San Pablo at Cauayan City.

Mayroon namang walo (8) na naitalang bagong gumaling sa COVID-19 na ngayo’y umaabot na sa 4,855 ang total recovered cases.


Nasa 438 naman ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela mula sa kabuuang bilang ng kumpirmado na 5,399.

Umakyat naman sa 106 katao ang naitalang nasawi na nagpositibo sa COVID-19.

Mula sa bilang ng aktibong kaso, ang 393 rito ay local transmission, labing isa (11) na Locally Stranded Individuals; dalawampu’t pito (27) na health workers at pito (7) na kasapi ng PNP.

Facebook Comments