Isabela, Muling Nakapagtala ng Mataas na Bilang ng Bagong Nagpositibo

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng mataas na bilang ng bagong positibo sa COVID-19 ang probinsya ng Isabela.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Pebrero 17, 2021, animnapu’t tatlo (63) ang bagong tinamaan ng sakit na kung saan ang labing walo (18) ay mula sa Cauayan City; labing pito (17) sa Cabagan; labing apat (14) sa Santiago City; tatlo (3) sa City of Ilagan at Roxas; at tig-isa (1) sa mga bayan ng Alicia, Cordon, Ramon, San Agustin, Jones, San Manuel, Sto Tomas, at Tumauini.

Mayroon namang tatlumpu’t apat (34) na bagong gumaling sa sakit na naitala ang probinsya na nagdadala ngayon sa kabuuang bilang na 4,447.


Sa kasalukuyan, bahagyang bumaba sa 406 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya mula sa total confirmed cases na 4,948.

Nasa siyamnapu’t dalawa (92) naman ang naitala ng probinsya na nasawi na positibo sa COVID-19.

Mula sa bilang ng aktibong kaso, ang 364 rito ay Local Transmission; dalawampu (20) na Health Workers; labing dalawa (12) na pulis at sampung (10) Locally Stranded Individuals (LSIs).

Facebook Comments