Pagbebenta ng relo online, malaki ang naitulong sa isang housewife

28

Hindi lamang oras para sa anak at sarili ang pinagkakaabalahan ng housewife na si Catherine Alegre kundi pati na rin ang pagbebenta ng mga orihinal na relo.

Sa segment na Business as Usual sa Usapang Trabaho ng DZXL 558 Radyo Trabaho, ibinahagi ni Catherine na nagsimula lamang siya sa pag-aalok ng damit at sabon sa kaniyang mga kapitbahay, kamag-anak at kaibigan hanggang sa pinasok na rin niya ang pagbebenta ng mga authentic watches.


Dahil sa may kamahalang presyo, aminado si Catherine na nahirapan siyang ibenta ng kaniyang mga produkto.

Pero nag-tiyaga siya sa pagpo-post sa kaniyang mga social media accounts hanggang sa dumami na ang mga umoorder sa kanya ng relo at lumaki na ang kaniyang kita.

Dagdag pa ni Catherine, ang kaniyang kinikita ay nakakatulong sa kanyang asawang seafarer na kakasampa lamang ng barko matapos mapauwi ng bansa dahil sa pandemya.

Facebook Comments