Isabela, Nakapagtala na Lamang ng Anim na Panibagong Kaso ng COVID-19

33

Cauayan City Isabela- Bumaba na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela.

Batay sa datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Miyerkules, Disyembre 8, 2021, nakapagtala na lamang ang probinsya ng anim (6) na tinamaan ng COVID-19 habang 32 naman ang bagong gumaling at isa (1) ang namatay.

Dahil dito, bumaba na lamang sa 225 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya.


Tumaas naman sa 58,355 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober habang pumalo naman sa 2,056 ang total COVID-19 related deaths.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 60, 636 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Facebook Comments