Target na Drug Personal sa Nueva Vizcaya, Natimbog

26

Cauayan City Isabela- Nahuli na ng mga otoridad ang isang tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation pasado alas 8:00 ng umaga ngayong araw, Disyembre 8, 2021 sa Brgy. Busilac, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Una rito, isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon sa mga otoridad sa pamamagitan ng “Isumbong Mo Kay Wilkins” kaugnay sa pagbebenta ng iligal ng droga ng suspek na kinilalang si Heran Ursulo II Dizon, 50 anyos, walang asawa, at residente sa nabanggit na barangay.

Sa isinagawang operasyon, nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang dalawang (2) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng isang (1) gramo ng hinihinalang shabu, buy-bust money at isang (1) kulong-kulong.


Nahaharap ngayon si Dizon sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang ikinasang drug buy bust operation ay magkatuwang na isinagawa ng PDEA Nueva Vizcaya Provincial Office, Regional Drug Enforcement Unit, at ng PNP Bayombong.

Facebook Comments