Isabela, Nakapagtala ng 32 New COVID-19 Cases

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng 32 na bagong positibo sa COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, mula sa 32 na new confirmed cases sa Lalawigan ay tatlo (3) ang naitala ng Cagayan, dalawampu’t siyam (29) sa Isabela na nakapagtala rin ng isang (1) COVID-19 related death.

Bagamat nakapagtala ng panibagong kaso ng COVID-19 ang Isabela ay mayroon namang naiulat na dalawampung (20) karagdagang bilang ng mga gumaling sa sakit.


Ang probinsya ng Cagayan ay nakapagtala ng walo (8) na new recoveries, tig-anim (6) sa Isabela at Santiago City.

Batay naman sa breakdown ng kabuuang kaso ng COVID-19 sa bawat probinsya sa rehiyon dos, ang Cagayan ay mayroon nang 520 total cases, 864 sa Isabela, 97 sa Santiago City, 582 sa Nueva Vizcaya, 5 sa Quirino, at 2 sa Batanes.

Umabot naman sa 2,070 ang total COVID-19 cases sa Lambak ng Cagayan kung saan 368 ang aktibo, 1,667 ang nakarekober at 35 ang namatay.

Facebook Comments