Isabela, Nakapagtala ng Mababang Bagong Kaso ng COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng tatlong (3) panibagong bilang ng bagong kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Isabela.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Marso 2, 2021, ang tatlong bagong kaso ay naitala sa bayan ng Aurora, Santo Tomas at Santiago City.

Mayroon namang 35 na bagong gumaling sa COVID-19 na nagdadala sa kabuuang bilang na 4,818.


Bahagya namang bumaba sa 439 ang aktibong kaso ng COVID-19 mula sa 5,362 na total confirmed cases.

Mula sa aktibong kaso, 395 rito ay ‘local transmission; 28 na Health Workers; walo (8) na pulis at walong (8) na Locally Stranded Individuals (LSIs).

Facebook Comments