Isabela, Nanaig Kontra Cauayan sa CaVRAA 2019 High School Basketball Boys

Tinalo ng koponan ng Isabela ang home team na Cauayan sa ginanap na finals ng high school basketball boys sa FL Dy Coliseum, Cauayan, Isabela.

Ito ay sa katatapos lamang na CaVRAA 2019 kung saan ay isa ang basketball sa mga sports event na ginanap sa lungsod para sa pangatlong yugto ng pangrehiyong palaro ngayong 2019.

Sa unang bahagi ng laro ay abante pa ang Cauayan hanggang sa 3rd quarter kung saan ay nagtapos ito sa iskor na 51-49.


Naging maingay at masaya naman ang mga manonood sa punong puno na FL Dy Coliseum sa unang bahagi ng laro dahil sa kalamangan ng Cauayan.

Kalaunan ay ang mga nanonood na taga suporta ng Isabela ang nag-ingay nang makalamang sila ng sampu sa kalagitnaan ng ikaapat na yugto ng laro at tuloy tuloy na ang kanilang lamang hanggang sa matapos ito.

Hindi nakahabol ang koponan ng Cauayan matapos hindi pumasok ang mga pukol nila malapit sa pagtatapos ng laro.

Samantala sa, high school basketball naman para sa babae ay nakuha ng Cagayan ang gintong medalya matapos talunin ang koponan ng Isabela sa iskor na 80-66.
Ang CaVRAA 2019 ay magtatapos na sa araw na ito ng Marso 11, 2019.

Facebook Comments