Lalaki arestado sa isang buy-bust operation sa Tondo, Manila

Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy bust operation sa loob ng isang mall sa Tondo, Maynila.

 

Nakilala ang nadakip na si Jerome Timoteo, 29-anyos.

 

Sa impormasyon nakuha ng DZXL RMN Manila, ikinasa ng Manila Police District station-2 at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operasyon laban sa suspek sa loob mismo ng tutuban mall.


 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money ay dito na siya inaresto kung saan nakuha sa kaniya ang 2,000 pesos na pera at isang kilo ng shabu.

 

Hawak na ngayon ng PDEA ang suspek at inaalam na kung sino ang supplier nito.

Facebook Comments