Isabela, Nangunguna sa may Pinakamaraming Kaso ng COVID-19 sa Rehiyon Dos

Cauayan City, Isabela- Pinakamarami ang Lalawigan ng Isabela sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 sa Lambak ng Cagayan batay na rin sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2.

Pinakamataas rin ang Isabela sa may naitalang kaso ng COVID-19 as of November 8, 2020 na kung saan mula sa apatnapu’t anim (46) na positibong kasong naiulat sa rehiyon, 43 dito ay mula sa Isabela habang dalawa (2) sa Cagayan at isa (1) sa Santiago City.

Umaabot na ngayon sa 1,499 ang total confirmed cases sa Isabela, 217 ang active cases, 1, 267 recoveries at 15 na death cases.


Sumusunod ang probinsya ng Cagayan na may 730 total confirmed cases, 85 ang active cases, pangatlo ang probinsya ng Nueva Vizcaya na may 629 total confirmed cases, 23 ang active cases, pang-apat ang Lungsod ng Santiago habang bumalik sa pagiging COVID-19 ang Batanes.

Kasabay naman ng pagkakatala ng new confirmed cases sa rehiyon, nakarekober naman sa sakit ang dalawampu’t limang (25) COVID-19 patients kung saan tatlo (3) ang gumaling sa Cagayan, labing walo (18) sa Isabela, tatlo (3) sa Santiago City at isa (1) sa Nueva Vizcaya.

Sa kasalukuyan, pumalo na sa 3,019 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus, 359 ang aktibo, 2,615 ang total receovered cases at 45 ang total death cases.

Facebook Comments