Inihayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, karapat-dapat ang Isabela na ituring bilang isa sa mga nangungunang lalawigan sa bansa dahil sa napaka ganda nitong industriya ng agrikultura at mayaman sa mga atraksyon na nagbibigay ng magandang agro-ecotourism sa lalawigan.
Dagdag pa niya, ang Isabela ay maaaring maging isang world-class agri-ecotourism destination dahil maaaring magawa o maranasan ang fruit picking, mushroom production, bee farming at pangingisda.
Pinuri din ni Sec. Puyat ang mga nakatanim na bulaklak tulad ng flora at fauna sa Sierra Madre, Palanan rainforest, sa Sta.Victoria Caves at sa bahagi ng dalampasigan ng Pacific Coast.
Sa kabila naman ng paghihigpit sa probinsya dahil sa pandemya, nakapagtala pa rin ang Isabela noong 2020 ng 279,291 na turista habang noong 2021 ay nasa 226,686 tourist arrivals, mas mataas kumpara sa iba pang apat na lalawigan sa rehiyon.
Matatandaan noong 2019 ay mayroong naitalang 437,058 na mga turista ang probinsya bago tumama ang pandemya.
Tags; Isabela,DOT,Tourist Destination,Region 02