Independent at critical thinking ng kabataan, posibleng maapektuhan sa pag-block ng NTC sa websites na konektado sa CPP-NPA

66

Para kay Senator Koko Pimentel, masyadong malawak at mapanikil ang deriktiba ng National Telecommunications Commission (NTC) sa mga internet service providers na i-block ang 20 websites na umano’y may kaugnayan sa mga makakaliwa.

Giit ni Pimentel, hindi ito magandang ideya dahil nagkakait sa mga kabataan ngayon ng ibang pananaw, ibang paraan sa pagresolba ng mga problema.

Diin ni Pimentel, mahalagang mamulat ang mamamayan lalo na ang mga kabataan sa iba’t ibang pananaw, ideya at teorya.


Paliwanag ni Pimentel, ang iba’t ibang kaisipan na ito ay bahagi ng proseso para mapahusay ang independent at critical thinking ng mga kabataan.

Facebook Comments