Isabela, Patuloy na Nakakapagtala ng Mataas na Bilang ng Gumagaling sa COVID-19

*Cauayan City, Isabela- *Nakakapagtala pa rin ng mataas na bilang ng gumagaling sa COVID-19 ang probinsya ng Isabela.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Pebrero 14, 2021, apatnapu’t anim (46) na COVID-19 patients ang nakarekober na nagdadala sa kabuuang bilang na 4,315.

Pero, nakapagtala din ang probinsya ng bagong bilang ng nagpositibo na apatnapu’t tatlo (43) na nagdadala naman sa kabuuang bilang na 4,840.


Mula sa 43 new covid-19 cases, ang labing walo (18) ay naitala sa Santiago City; apat (4) sa City of Ilagan, Cauayan City at Gamu; dalawa (2) sa bayan ng Quezon at Sta. Maria at tig-isa (1) sa mga bayan ng Cabatuan, Luna, Ramon, Roxas, San Agustin, San Mariano, San Mateo, Tumauini at Delfin Albano.

Sa kasalukuyan, mayroong 435 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Isabela at mayroon ng 92 na COVID-19 related death.

Sa bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela, 392 rito ay Local Transmission; labing tatlo (13) na pulis; labing siyam (19) na health workers at labing isa (11) na Locally Stranded Individuals (LSIs).

Facebook Comments