Ilagan City, Isabela – Pinalitan ang dati at itinalagang OIC ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) si P/SSupt John Cornelius Jambora, ang kasalukuyang Deputy Regional Director for Operations ng PNP Regional Office Number 2.
Ito ay matapos mag exit bilang PNP Provincial Director ng Isabela si P/SSupt Reynaldo Garcia.
Ito ang napag-alaman ng RMN Cauayan News mula kay PSupt Ronald Laggui, ang pinuno ng Police Community Relations(PCR) ng Isabela Police Provincial Office.
Ang relief ni P/SSupt Garcia at ang pagkakaroon ng OIC ng IPPO ay naging epektibo noong hapon ng Disyembre 27, 2017.
Wala pang nabigay na impormasyon sa dahilan ng relief order sa media subalit sa panayam ng RMN Cauayan News sa ilang Chief of Police ng lalawigan ay kanilang ibinahagi na nakatakda ring magretiro sa serbisyo si P/SSupt Garcia sa buwan ng Enero.
At dahil sa mayroong pribelihiyo na “Non-Duty Status” ang isang PNP member kapag malapit na ang kanyang retirement ay malamang ito ang ini-avail ng outgoing Provincial Director.
Kaugnay nito ay may ipinatawag na pulong sa araw ng ito ni IPPO OIC P/SSupt John Cornelius Jambora sa lahat ng hepe ng pulisya sa 34 bayan at 3 siyudad ayon pa sa impormasyon na nakuha ng RMN Cauayan News.
Samantala, inaantay pa umano ang direktiba mula sa PNP Regional Office 2 kung tutuloy si P/SSupt Jambora bilang Provincial Director o may itatalagang uupo sa naturang katungkulan.