PRODUCTION TEAM AT ORGANIZER NG MUTIA TI BAUANG 2026, NAGKAIRINGAN DAHIL SA HINDI PA UMANO BAYAD NA BALANSE

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng production team at ng event organizer kaugnay ng hindi pa nababayarang balanse para sa local pageant Mutia Ti Bauang sa La Union na ginanap noong Enero 2026.

Ayon sa production team, nagsimula silang mag-shoot ng mga materyales tulad ng headshots, swimwear photos, billboards, at iba pang promotional content kahit wala pang down payment dahil hindi pa umano nailalabas ang pondo mula sa supplier.

Sa mga sumunod na shoots, patuloy umano silang naglabas ng sariling pera upang mabayaran ang photographers at crew at inabutan man umano ng P10,000, ay hindi umano ito sapat upang matugunan ang kabuuang gastusin sa produksyon.

Noong araw ng event, inaasahan nilang maibibigay na ang kabuuang bayad kasunod ng maayos na programa at pagtupad sa napagkasunduang outputs ngunit nabigo sila nang hindi pa irn umano sila nabayaran pagkatapos ng event.

Dahil dito, nalagay sa alanganin ang kanilang reputasyon at koneksyon sa mga propesyonal na inimbita sa patimpalak, lalo na nang mabanggit ang isyu sa isang viral livestream.

Sa panig naman ng event organizer, ang pagkaantala ng bayad ay iniuugnay sa hindi pa paglabas ng pondo mula sa financer at hindi intensyong takbuhan ang obligasyon, kundi nagkaroon lamang ng problema sa daloy ng pondo.

May naibigay na bahagi ng bayad sa production team, at ayon sa kanila, handa silang ayusin ang natitirang balanse sa sandaling maging available ang pondo at makumpleto ang mga kinakailangang deliverables batay sa kasunduan kabilang dito ang same day edit, pageant highlights, Mayor’s Video Greetings, Swimsuit Opening Video at Opening Billboard.

Panawagan ng production team ang accountability ng kabilang panig sa nangyaring gusot dahil sa pinsalang naidulot ng isyu sa reputasyon ng dalawang panig.

Sa huli, parehong panig ang nagsasabing nais nilang maresolba ang usapin nang maayos at propesyonal at magkaroon ng konkretong hakbang upang tuluyang maisara ang isyu at mapanatili ang integridad ng lahat ng sangkot. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments